Sunday, March 6, 2011

Azkals: Si Phil ang matinik sa chicks

Iisa lamang ang opinyon ng mga miyembro ng Philippine football Team Azkals.

Napag-alaman na dahil sa kanilang tagumpay at hindi maitatangging may mailalaban kung kaguwapuhan ang pag-uusapan, sikat na sikat na ngayon ang Azkals lalo na ang mga Fil-British member nito partikular ang magkapatid na Phil at James Younghusband.

Sa tanong kung sino ang matinik pagdating sa mga babae, iisa lang ang itinuturo at ito ay ang nakababatang si Phil.

Ayon sa ilang Azkals member, gusto ni Phil ng atensyon at limelight.

Aminado naman si Phil na nauugnay ngayon kay Angel Locsin, na problema siya pagdating sa babae.

"When it comes to women, I'm in trouble," ani Phil.


No comments:

Post a Comment